Manila, Philippines – Walang bearing o walang saysay ang paghirit nina Senador Leila De Lima at Antonio Trillanes IV na maging intervenor sa warranto case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa panayam ng media, sinabi ni Atty. Larry Gadon na hindi lahat ng abogado na tulad ni De Lima ay alam ang kanilang pinaggagawa.
Ipinaliwanag ni Gadon na walang ibang maaring mag-intervene sa kaso dahil ang tanging may legal personality sa kaso ay ang mismong inirereklamo na si Sereno.
Wala rin itong ipinagkaiba sa Makabayan bloc na walang ginawa kundi magpapansin.
Iniharap ni Solicitor General Jose Calida ang quo warranto case para patalsikin si Sereno nang hindi na dadaan sa impeachment trial.
Maituturing umano na invalid ang appointment ni Sereno dahil sa hindi naisumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.