*Manila, Philippines – ‘Walang Sense of Humor’* ito ang buwelta ng Malakanyang sa panawagan ni Senador Antonio Trillanes sa Office of the Ombudsman na bilisan ang imbestigasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa reklamong plunder.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – hindi na nasanay si Trillanes sa pagiging palabiro ng pangulo.
Giit naman ng Senador, hindi pwedeng basta idahilan ng Pangulong Duterte na biro lang ito.
Handa naman si Trillanes na harapin ang ethics complaint na planong isampa sa kanya ng mga kapwa senador.
Nabatid na tinawag niyang ‘puppet’ ang mga ito dahil sa pagiging sunud-sunuran sa Palasyo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments