Manila, Philippines – Nakipagpulong si Environment Secretary Roy Cimatu sa
mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Bohol.
Ito ay matapos makitaan ng paglabag ang nasa 400 establisyimento kung saan
karamihan sa mga ito ay walang septic tanks at waste water treatment
facility.
Pinaalalahanan ni Cimatu ang mga dumalo sa pulong na dapat gumawa sila ng
hakbang para hindi matulad ang Bohol sa Boracay.
Mag-iinspeksyon naman si Cimatu sa Panglao island kasama si National
Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia.
Facebook Comments