WALANG SHORTAGE? | Kakulangan ng NFA rice sa merkado, iimbestigahan na ng Senado sa katapusan ng buwan

Manila, Philippines – Itinakda ng Senado sa Pebrero 27 ang pagdinig hinggil sa pagkukulang ng NFA Rice sa bansa.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture,
nais niyang marinig ang paliwanag ng National Food Authority kung bakit hindi makabili ang mga ito sa lokal na magsasaka at hindi rin sila maka-import ng bigas.

Aniya, pag-uusapan na rin ang pagpapalit sa tariffication process kung saan nais nitong malaman kung ano ang gagampanan dito ng NFA.


Una nang sinabi ni Department of Agriculture Sec. Emmanuel Piñol na walang rice shortage sa bansa.

Sa katunayan aniya, naitala ang record high na aning palay noong nagdaang taon kung saan pumalo sa 19 Million Metric Tons habang 2.7 Metric Tons pa ng bigas ang surplus ng bansa na sapat sa 88 araw.

Facebook Comments