Walang silbing PACC pinabubuwag kay Pangulong Rodrigo Duterte

773

Tinutuligsa ng grupong Kilusang Pagbabago at Coalition Against Corruption Incorporated ang pagtalikod ni PACC Chairman Dante Jimenez sa mga kasong isinasampa sa ahensiya lalo na ang may kinalaman sa Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ayon kay Alie Dizon, ang convenor ng Kilusang Pagbabago, walang silbi ang PACC dahil hindi nagagampanan ang tungkulin.

Sa halip ay pinayuhan ni Dizon ang sambayanan na huwag na dumulog sa PACC kundi dumiretso na lamang sa Ombudsman kung saan maaaring sumulong ang mga kasong sinasampa laban sa mga inutil na opisyal ng gobyerno.

Nais din ng koalisyon na sibakin na lamang ang lahat ng opisyal sa PACC at palitan na lamang ng mga nakatitiyak na susuporta sa kampanya ng pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte o kaya naman ay buwagin na lamang.

Kaugnay nito, tinitiyak ng grupo na kung hindi kikilos ang PACC ay marami pang paraan na gagawin gaya ng pagdulog sa mga civil organizations, sasali sa mga pagkilos at hihingi ng tulong sa Media.

Facebook Comments