Manila, Philippines – Hindi pwedeng isisi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay U.S. President Donald Trump ang pagsipa ng inflation sa bansa.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN DZXL Manila sinabi ni UP School of Economics Prof. Jan Carlo Punongbayan na hindi totoong ito ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Aniya, hindi naman kasi malaki ang inaangkat na bakal ng Pilipinas sa dalawang bansa na isa sa mga produktong pinatawan ng mataas na taripa ng Amerika at China.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Jordan, matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na naapektuhan ang presyo ng mga bilihin sa bansa dahil sa umiiral na “trade war” sa pagitan ng Amerika at China.
Facebook Comments