Pasig City – Kalaboso ang isang lalaki matapos mangholdap ng isang Indian national sa Pasig City.
Sa imbestigasyon ng Pasig City Police, binabagtas ng biktima ang J.B. Miguel Street sa Barangay Bambang sakay ng motorsiklo nang holdapin ito ng suspek na si alyas Otiz.
Nakuha mula sa biktima ang pera na umabot sa P25,000 kung saan agad siyang nakapagsumbong sa pulis saka ikinasa ang follow-up operation.
Nagkahabulan pa ang suspek at mga pulis sa isang creek na puno ng kangkong at water hyacinth hanggang sa masakote ito.
Nakuha mula sa kaniya ang mahigit P4,000 na cash, isang sachet ng shabu at isang replika ng baril.
Facebook Comments