Manila, Philippines – Ipapatawag pa rin sa pagdinig sa Senado si dating Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Ito ay kahit inilipat na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, hindi pa siya sigurado kung ano ang naging papel ni Lapeña sa nakalusot na shabu na inilagay sa mga magnetic lifters.
Anya, posibleng nagmamadali ang Pangulo na mabago ang sistema sa BOC kaya inilipat kaagad si Lapeña sa ibang ahensiya at posisyon.
Gagawin ang susunod na hearing ng komite sa Oktubre 30, Martes.
Facebook Comments