WALANG TAKAS | Lalaking nasita dahil sa walang damit, huli sa iligal na droga

Caloocan City – Kalaboso ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga matapos masita dahil walang pang-itaas na damit sa East Libis. Barangay 150, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Rolando Salonga, 38-anyos at residente ng Santiago Street.

Nabatid na nagsasagawa ng oplan galugad sa lugar ang mga awtoridad nang makitang half-naked o walang pang-itaas na damit si Salonga.


Dahil paglabag ito sa ordinansa ng lungsod, sinita ito at kinapkapan kung saan dito na nakuha mula sa kaniya ang isang sachet ng shabu.

Facebook Comments