Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan Manila Police District (MPD) ang lalaking wanted sa kasong murder sa bahagi ng Zamora Street sa Pandacan, Maynila.
Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip ng mga otoridad si Antonio Yambao, 31-anyos.
Matagal na umanong nagtatago sa batas ang suspek dahil sa kasong pagpatay.
Nakakulong na sa Pandacan Police Station si Yambao.
Facebook Comments