WALANG TAKAS | Mga sasakyang may ‘8’ plaka at iba pang commemorative plates, huhulihin na

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang crackdown laban sa mga sasakyang may plakang ‘8’ at iba pang commemorative plates.

Ito ay matapos ipagbawal ng Kamara ang plakang ‘8’ na ibinigay sa mga mambabatas.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – kukumpiskahin ng PNP-HPG ang mga plaka at pagmumultahin ng ₱5,000 ang mahuhuli.


Una rito, ipinababalik na ng Kamara ang lahat ng inisyung car ‘8’ plates sa mga kongresista kasunod na rin ng ilang insidente ng pang-aabuso sa paggamit nito.

Facebook Comments