Manila, Philippines – Hindi pa rin lusot sa pananagutan si Cesar Montano sakaling mapatunayan na nagkaroon ng iregularidad sa kaniyang mga naging proyekto, ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kasunod ng pagbibitiw ni Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.
Ayon kay Roque, Ombudsman na ang bahalang mag imbestiga sa kinukwesyong ‘Buhay Carinderia’ na ipinatupad ni Montano.
Ombudsman na rin aniya ang bahalang magdetermina kung dapat na sampahan ng paglabag sa Anti Graft si Montano.
Matatandaan na kinukwesyon ang 80 milyong piso na pondo ng Buhay Karinderya na di umano ay inilabas agad kahit di pa nagsisimula ang proyekto.
Facebook Comments