Japan – Isang kakaibang uri ng saging ang napatubo ng mga magsasaka sa Japan.
Gamit ang espesyal na paraan ng pagtatanim, maari mo nang kainin ang balat ng saging na tanim sa D&T Farm sa Okayama Prefecture.
Itinanim lang naman ng D&T Farm ang kanilang saging sa napakalamig na klima kung saan inilalagay muna nila ang buto nito sa -60 degrees celsius na temperatura bago ilipat sa lupa.
Sa ganitong kondisyon, napipilitan ang mga saging na tumubo ng mas mabilis at dahil sa bilis ng pagtubo nito, nagiging kakaiba ang balat kung saan pwede mo na itong kainin.
Sinasabing mas matamis din ito kung ikukumpara sa saba, latundan at lacatan.
Hindi rin umano basta-basta ang balat ng saging na ito dahil taglay nito ang vitamin b6 at magnesium.
Yun nga lang may kamahalan lang ang saging sa presyo nitong 648 Yen katumbas ng P324 kada piraso.