Manila, Philippines – Hirap ngayon ang mga pulis sa ginagawang imbestigasyon sa pagpatay sa isang 27-anyos na babae sa Pasay City.
Wala kasing gustong magsalitang kapitbahay na nakakita sa insidente kung saan pasado alas-7:00 kagabi nang pasukin at barilin ng nag-iisang suspek ang biktimang si Lorieluz Valdez sa Barangay 187.
Naisugod pa sa San Juan de Dios Hospital si Valdez pero namatay din ito dahil sa tama ng bala sa ulo.
Sinasabing marami pang tambay sa mga oras na iyong pero tikom ang bibig ng mga ito maging ang ilang kaanak dahil sa takot na madamay.
Facebook Comments