WALANG TIGIL | Magiging konstruksyon ng MRT line 7, gagawing 24/7

Manila, Philippines – Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na 24/7 ang magiging konstruksyon ng MRT line 7.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, ang galaw lamang ng mga equipment ay tuwing alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw para hindi maging abala para sa mga pasahero.

Payo ni Pialago, iwasan ang nabanggit na kalsada at maghanap ng alternatibong ruta.


Kaninang hatinggabi, isinara na ang dalawang inner lane sa magkabilaang direksyon ng North Avenue sa tapat ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para sa itayo ang magiging pundasyon ng linya ng tren.

Ang MRT-7 ay may 14 na istasyon simula North Avenue, Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan na target makumpleto sa susunod na taon.

Facebook Comments