Manila, Philippines – Nawawala pa rin ang apat na indibidwal dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ito ay batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Kinilala ang mga nawawala pang indibidwal na sina Lito Baruel taga Sitio Pawikan, Gata Caramoan, Roseller Doring, Danny Toastumba at John Lloyd Toastumba mga residente ng Barangay Candayong, Dumaguete City.
Kaugnay nito umaabot na rin sa mahigit 18 libong pamilya ang apektado ng patuloy na pag ulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ang mga ito ay naitala sa Region 5, 7 at region 11.
Mahigit isang libo sa mga pamilyang ito ay nanatili ngayon sa 22 evacuation center at ngayon ay binibigyan ayuda ng mga taga-DSWD.
Na-monitor rin ng NDRRMC ang pitong bahay na totally damaged sa region 6 at region 11.