WALANG TINATAGO | Aiko Melendez, dahilan raw ng hiwalayan ng kanyang boyfriend at dati nitong misis?

Manila, Philippines – Inaakusahan ngayon ang aktres na si Aiko Melendez na rason daw ng hiwalayan nina Subic, Zambales Mayor Jay Khonghum at dati nitong misis.

Sa isang interview, mariing pinabulaanan ng alkalde ang paninira laban sa girlfriend niya ngayon na si Aiko.

Gayunman, tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye si Mayor Khonghun.


Aniya, gusto niyang manatiling pribado ang buhay nila ng dating asawa at kanyang anak.

Wala rin naman daw silang itinatago ni Aiko kaya malakas ang loob nilang ipakita sa publiko ang kanilang relasyon.

Nito lang Marso nang inamin ng aktres ang relasyon nila ni Mayor Khonghun.

Facebook Comments