WALANG TIWALA | Mataas na kaso ng tigdas sa Bicol, dahil sa kawalan ng tiwala sa bakuha ng pamahalaan – DOH

Vaccine resistance o kawalan ng tiwala sa bakuna ang isa umano sa mga dahilang nakikita ng Department of Health (DOH) sa pagtaas ng kaso ng tigdas sa mga bata sa Bicol Region.

Ayon kay DOH Bicol Family Coordinator for Immunization Program Dr. Monrey Mancilla – patuloy pang tumataas ang kaso kahit pa pinalakas na ang programa sa local health centers.

Simula una hanggang ikatlong quarter ng taon, 45 percent lamang aniya ang nagpabakuna o apat hanggang lima sa sampung bata na tinitingnang rason ng malaking banta sa pagkakaroon ng sakit na tigdas.


Ayon pa kay Mancilla, pinakamababang porsyento ng mga nagpapabakuna ang sa mga paaralan matapos pumutok ang kontrobersiya sa dengue vaccine na Dengvaxia.

Mabilis naman ang pagkalat ng tigdas na nakakahawa sa mga batang mahina ang resistensya kaya mas maigi aniya ang prevention sa pamamagitan ng bakuna.

Nabatid na umakyat na sa 316 ang kaso ng tigdas sa Bicol kung saan sampu sa mga ito ang namatay.

Facebook Comments