Manila, Philippines – Malaki ang pagdududa ng mga militanteng mambabatas sa Oplan Tokhang relaunching.
Walang tiwala at naaalarma dito so ACT Teachers Rep. Antonio Tinio dahil tiyak na mga mahihirap pa rin ang magiging target ng binuhay na Oplan Tokhang.
Ayon kay Tinio, ang paggamit ng body camera at pagsasagawa ng Oplan Tokhang sa araw ay hindi katiyakan na hindi na mauulit ang mga pang-aabuso ng mga otoridad.
Naniniwala pa rin ang kongresista na isang organized scheme ng EJKs ang Oplan Tokhang at hindi ito maitatago kahit anong pagtatakip pa ang gawin ng PNP.
Pinayuhan naman ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang PNP na gumamit na lamang ng ibang estratehiya sa anti-illegal drugs campaign.
Sinabi ni Casilao na ang dapat bigyang prayoridad ng administrasyon ay ang pagresolba sa kahirapan, paglikha ng trabaho, pagbibigay ng disenteng sweldo, edukasyon at tamang serbisyo sa mahihirap.