WALANG TUBIG! | Water service interruption, mararanasan sa ilang bahagi ng Maynila, Quezon City at Camanava

Manila, Philippines – Makakaranas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Maynila, Quezon City at Camanava.

Sa Maynila, mawawalan ng suplay ng tubig mula mamayang alas onse ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw bukas ang:

Claro M. Recto;
Quezon Blvd.;
Lerma;
Reyes;
Legarda;
Estero De San Miguel;
Estero De Sampaloc;
Tuazon;
H. Lacson;
Estero De Aviles;
At Jhocson;


Sa Quezon City naman, mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga sa bahagi ng barangay San Antonio, Del Monte at Paltok.

Habang apektado ang barangay 159 at 162 sa Caloocan City, Barangay Gozon Compound, Longos at Tonsuya sa Malabon.

Mula alas 11:59 ng gabi hanggang alas 3:00 ng umaga sa bahagi ng North Bay Boulevard (South) habang alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga sa barangay San Jose.

Sa Valenzuela City naman, mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga sa bahagi ng barangay Karuhatan at barangay Gen. T. De Leon.

Facebook Comments