Walang voters registration sa Christmas holidays – COMELEC

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na walang mangyayaring voter registration sa natitirang apat na holidays sa buwan ng Disyembre.

Ayon sa poll body, sarado ang lahat ng kanilang tanggapan sa December 24, 25 (araw ng Pasko), December 30 (Rizal Day), at December 31.

Ibig sabihin, walang mangyayaring transaksyon, kabilang ang pag-iisyu ng voter’s certification.


Ang huling araw ng voter registration para sa taong ito ay sa December 29 at magbabalik na sa January 4, 2021.

Facebook Comments