WALANG “WHITEWASH” | Patas na imbestigasyon sa Mandaluyong Shooting Incident, tiniyak

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na walang mangyayaring “Whitewash” sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa Mandaluyong “Mistaken Shooting” na ikinamatay ng dalawang tao.

Ang pahayag ng palasyo sa harap ng pangamba ng ilang grupo na baka magkakaroon ng takipan sa imbestigasyon lalo sa 10 pulis na sangkot.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar – makakaasa ang taongbayan na hindi mangyayari ang pinangangambahang “whitewash” lalo pa’t sinibak na sa trabaho ang mga nasabing pulis.


Maliban sa mga pulis, mahalaga din aniya na mapanagot ang nagbigay ng maling impormasyon.

Ang mga pulis daw ay umaasa rin sa report ng barangay official o tanod at kanila itong sinusunod.

USA – Sa unang pagkakataon, inanunsyo mismo ng headquarters ng US Department Of Defense na maaari nang mapabilang sa kanilang military ang mga transgender people.

Pahayag ito ng Pentagon matapos umanong magdesisyon ang administrasyon ni US President Donald Trump na hindi na iaapela ang rulings na humarang sa kanyang transgender ban.

Ayon sa Pentagon, magsisimulang tumanggap ang US Military ng mga transgender recruit simula sa Lunes o unang araw para sa taong 2018.

Facebook Comments