Idineklara na ng Malacañang na walang pasok sa lahat ng Eskwelahan sa lahat ng antas, maging ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa mga lugar na naapektuhan ng ashfall dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa anunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea, base sa rekomendasyon ng national Disaster Risk Reduction and Management Council, suspendido na ang klase at pasok sa mga government offices sa:
- Metro Manila
- Calabarzon
- Central luzon
Hindi naman sakop ng anunsyo ang mga frontline agencies na sakop ang disaster response, naghahatid ng Basic at Health Service, at iba pang Vital Services.
Hinihikayat din ng Palasyo ang pribadong sektor na suspendihin na rin ang kanilang pasok para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
Nag-anunsyo na rin ang ibang tanggapan ng gobyerno na walang pasok:
- Senado
- Kamara
- Korte Suprema (NCR Division)
- Civil Service Commission (NCR, Region 3 at 4)
- Commission on Audit (NCR, at Calabarzon)