Manila, Philippines – Walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa Quezon City sa Lunes, August 20.
Sa inilabas na memorandum na pirmado ni Mayor Herbert Baustita, ang suspensyon ay para bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makiisa sa Birth Anniversary ni dating pangulong Manuel L. Quezon.
Magkakaroon kasi ng seremonya at mga katibidad sa lungsod sa nasabing petsa.
Ipinauubayan naman na ng Alkalde sa pamunuan ng mga eskwelahan kung magpapatupad sila ng remedial classes o dagdag na academic work para makahabol sa aralin ang mga estudyante.
Matatandaan kasi na ilang araw ding nagkaroon ng suspensyon sa klase sa halos buong metro manila kamakailan dahil sa pananalasa ng habagat.
Deklarado ring holiday sa Martes, August 21 dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Adha at Ninoy Aquino Day.