#WalangPasok Lunes, Oktubre 16, 2017 dahil sa tigil-pasada ng ilang transport group

Manila, Philippines – Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa, gayundin sa mga opisina ng gobyerno, korte at senado.

Ito ay dahil sa dalawang araw na transport strike.
Pero nilinaw Ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi kanselado ang klase at trabaho bukas (Oct. 17).

Nilinaw din ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagsuspinde ng trabaho sa pribadong sektor ay nasa diskresyon na ng mga employers o may-ari ng kompanya.


Ang naturang tigil pasada ay isasagawa sa buong bansa ng grupong Piston.

Makikiisa rin dito ang grupong Kadamay, Migrante, League of Filipino Students at Kilusang Mayo Uno.

Ito ay bilang protesta sa panukala ng pamahalaan na gawing moderno ang mga Public Utility Vehicles sa ilalim ng PUV modernization program.

Target ng programa na mabigyan ang publiko ng mas komportable at episyenteng sistema ng transportasyon.

Kasabay nito, tiniyak ng palasyo ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang posibleng maging epekto ng transport strike sa publiko.

Mayroon din namang nakahandang contingency plan ang mga kinauukulang ahensya tulad ng Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para tulungan ang mga maaapektuhan ng tigil pasada.

Kaugnay nito, lifted na rin ang number coding sa lahat ng pampubliko at pribadong sasakyan.

Facebook Comments