Quezon City – Dinagsa ng mga Katoliko ang Walk for Life 2019 na isinagawa kanina sa Quezon City Memorial Circle.
Dinaluhan ito ng iba’t-ibang mananampalatayang Katoliko mula sa iba’t-ibang diyosesis.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Antonio Tagle ang isang misa.
Dumalo rin si Papal Nuncio Gabrielle Giordano Caccia.
Nagbahagi naman ng mga kuwento ang mga biktima ng extra judicial killings (EJK).
Sa kaniyang homiliya, sinabi ni Archbishop Tagle na sana ang lipunan ay isang sinapupunn na nangangalaga at hindi nag-aaksaya ng buhay.
Sa bahagi ng panalangin, laman nito ang pagpapahalaga ng kasagraduhan ng buhay laban sa banta ng karahasan.
Facebook Comments