Cauayan City, Isabela- Nagkasa ng “Walk for Peace” ang ilang residente, mga kabataan at iba’t ibang ahensya upang kondenahin ang umano’y panlilinlang, panloloko at pang-aabuso ng makakaliwang grupo matapos itong idaos sa Sitio Bonnong, Brgy. Wagud, Pinukpuk, Kalinga.
Bitbit ng mga dumalo sa aktibidad ang placards na nakasulat ang iba’t ibang panawagan tungkol sa marahas at maling Gawain ng makakaliwang grupo sa higit 50-taon.
Kasabay nito, pinagsusunog rin ang bandila ng NPA gayundin ang effigy ng founding chairman ng Communist Terrorist Group (CTG).
Sabay-sabay rin na lumagda Covenant of Support ang mga nagsipagdalo sa aktibidad bilang tanda ng suporta nila sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng pamahalaan.
Samantala, nagsagawa rin ang Pinukpuk MPS ng BARANGAYanihan Help & Food Bank <www.facebook.com/PNPFoodBank/> sa pamamagitan ng pamamahagi ng groceries at facemask sa mga senior citizen ng naturang barangay gayundin ang pamamahagi ng IEC materials patungkol sa anti-terrorism, COVID-19 BIDA Bakunation, Drug Abuse Prevention, VAWC at crime prevention tips.