‘WALK FOR PEACE’ laban sa mga Rebeldeng Grupo, Umarangkada sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Kinokondena ng ilang residente sa Barangay Baay sa bayan ng Pinukpuk, Kalinga ang ginagawang panlilinlang ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Dahil dito, sabay-sabay na nagsagawa ng ‘Walk for Peace’ na may temang “Lakad Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Terrorismo at Karahasan” ang mga residente hawak ang kanilang mga plakards na may iba’t ibang panawagan sa kabila ng marahas na ginagawa ng makakaliwang grupo at mahigit sa 50 taon ng panlilinlang na ginagawa ng rebeldeng grupo.

Kasabay nito, pinagsusunog ng mga nakiisa sa aktibidad ang watawat ng mga rebelde maging ang effigy ng CPP founder na si Joma Maria Sison at mga lider ng NPA na nasa bisinidad ng probinsya.


Nakiisa rin ang Lokal na Pamahalaan at mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni Mayor Irving Dasayon kung saan pinasalamatan ang pwersa ng 50 th Infantry Battalion upang maprotektahan ang kanilang bayan laban sa mga teroristang grupo.

Siniguro din ng alkalde na ang pwersa ng kasundaluhan ay patuloy na susuporta para wakasan ang local communist armed conflict sa kanilang bayan.

Inihayag naman ni Lt.Col Allan G Espela, Battalion Commander ng 50IB, bunga ng pakikiisa ng publiko at kamalayan ang nagtulak para malinawan ang ginagawang karahasan ng mga rebeldeng grupo.

Isang dating miyembro ng rebeldeng grupo ang nagsalita upang ibahagi ang kanyang naranasang hirap sa ilalim ng CPP-NPA-NDF kung saan ipinunto nito ang ginagawang panlilinlang ng mga grupo.

Ayon naman kay BGen. Laurence E Mina PA, Commander of 5th Infantry Division, pinuri nito ang lahat ng residente na nagsagawa ng aktibidad kung saan pagpapakita lamang ito ng suporta para tuluyan ng wakasan ang insurhensiya sa bansa.

Magpapatuloy naman ang ganitong aktibidad sa bayan para buksan ang isip ng iba pa sa maling gawain ng mga rebeldeng grupo

Facebook Comments