
Pinayagan pa rin ng Kadiwa Center sa Visayas Avenue, Quezon City ang mga walk-in na bibili ng P20 bigas ngayong April 13.
Ito ay sa kabila ng ipatutupad na online registration o appointment system simula ngayong araw.
Ayon sa pamunuan ng Kadiwa Center, pinayagan ang walk-ins dahil may ilang benepisyaryo na walang cellphone o internet access, at hindi rin marunong gumamit nito.
Gayunman, nilinaw na mananatili ang limitasyon sa 1,000 benepisyaryo kada araw—kung saan 250 slots ang para sa walk-in at 750 naman para sa mga may online appointment.
Facebook Comments










