Walk-in, hindi dapat payagan sa pagpapabakuna sa mga menor de edad

Pinapatiyak ni Senador Win Gatchalian sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 na magiging maayos ang pagpapabakuna sa mga menor de edad.

Para makamit ito ay iginiit ni Gatchalian na huwag pahintulutan ang “walk-in system” upang maiwasan ang pagkukumpol-kumpol sa mga vaccination sites.

Suportado ni Gatchalian ang pagbabakuna sa mga menor de edad dahil makakatulong ito para maging ligtas ang pilot test ng face-to-face classes.


Pero paliwanag ni Gatchalian, ang first-come, first served walk-in na sistema ay tiyak magdudulot ng magulong sitwasyon ng pagbabakuna.

Diin ni Gatchalian, kawawa ang mga bata na pipila para mabakunahan lalo na at walang kasiguruhan ngayon ang lagay ng panahon kung saan madalas ay umuulan.

Facebook Comments