Walk-in sa pagsusumite ng aplikasyon sa serbisyong apostille, aalisin na ng DFA

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipapatupad na nila ang Online-Appointment-Only System sa aplikasyon para sa serbisyong Apostille o ang authentication sa mga dokumento.

Nangangahulugan ito na aalisin na ang mga walk-in upang mapanatili ang kaayusan sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Ayon sa DFA, ang mga kliyente lamang na may kumpirmadong online appointment ang papayagang magsumite ng aplikasyon para sa Apostille service.


Nilinaw naman ng DFA na hindi sakop ng nasabing patakaran ang mga senior citizen, PWD, buntis, at OFW dahil awtomatiko silang makakapagsumite ng aplikasyon kahit walang appointment.

Hinihikayat naman ng DFA ang publiko na tangkilikin ang bagong sistema.

Facebook Comments