Walk-in sa pediatric COVID-19 vaccination, papayagan na – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na papayagan na ang ilang walk-in sa pediatric COVID-19 vaccination.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ipauubaya na ng DOH sa Local Government Units (LGUs) kung paano sila magsasagawa ng walk-in vaccination sa mga nasa edad 12 hanggang 17.

Pero mas mainam pa rin aniya kung hihikayatin ng mga LGU ang mga kabataan na magparehistro.


Nilinaw rin ni Cabotaje na ang mga batang magpapabakuna ay dapat may kasamang magulang o guardian.

Facebook Comments