Walk-in services sa Philippine Consulate General sa San Francisco, California, pansamantalang sinuspinde sa harap ng mga kilos-protesta

Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Consulate General (PCG) sa San Francisco, California ang walk-in services ng konsulada.

Ito ay bunsod ng mga kilos-protesta malapit sa bisinidad ng Philippine Consulate laban sa mga polisiya ng Trump administration sa California.

Bunga nito, ang mga bisita lamang na may kumpirmadong appointment ang papapasukin sa Konsulada ng Pilipinas.

Pinapayuhan din ang mga kliyenteng kukuha ng kanilang mga dokumento na magpakita lamang ng official receipt sa security personnel sa entrance.

Layon nito na matiyak ang seguridad ng mga kliyente, lalo na ang mga seniors, pamilya, at mga vulnerable na indibidwal.

Tiniyak din ng Konsulada na magpapatuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng tensyon sa lugar.

Facebook Comments