Karamihan sa mga Local Government Units (LGUs) hindi pinapayagan ang walk-in appointment para sa COVID-19 vaccination para matiyak na nasusunod ang prioritization framework.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, kailangang sumailalim ang mga residente sa pre-registration para malaman ng mga LGUs at health officials kung sino ang dapat maunang mabigyan ng bakuna.
Ipinauubaya na nila sa mga LGUs kung paano nila ipapatupad ang epektibo at mabilis na pagpapabakuna.
Noong Pebrero, naglabas ng statement ang Department of Health (DOH) kung saan hindi maaaring magsagawa ng walk-in vaccination dahil ang mga bakunang inilaan ay nailaan na sa mga nararapat na mabakunahan.
Ang scheduling para sa vaccination ay itatakda ng mga LGUs depende sa available supply at deliveries.
Nabatid na nasa higit isang milyong indibiduwal na ang nabakunahan ng COVID-19 sa Pilipinas.