Walk in vaccination, pinapayagan na para sa booster dose ng Taguig LGU

Pinapayagan na ng Taguig Local Government Unit (LGU) ang walk in vaccination para sa first dose, second dose, first booster o second booster para sa lahat ng eligible na residente ng Taguig City maging ang mga nagtatrabaho at nag-aaral sa lungsod.

Ayon sa Taguig LGU, para sa edad 5 pataas ay maaaring magtungo sa vaccination hubs mula Lunes hanggang Biyernes at para sa edad 12 pataas, maaari ding magtungo sa barangay health center tuwing Lunes, Martes at Biyernes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Dalhin lamang ang mga valid ID, TRACE QR code at vaccination card kahit ito ay na-issue sa ibang lungsod.


Paalala ng LGU ay Pfizer lamang ang maaaring ibigay bilang first booster dose ng edad 12-17 at second booster dose para sa adults.

Facebook Comments