WALK-IN VACCINATION SA PANGASINAN TRAINING AND DEVELOPMENT CENTER, ISASAGAWA

LINGAYEN, PANGASINAN – Tatlong araw na walk-in vaccination ang isasagawa sa mga nagnanais na magpabakuna kontra COVID-19 sa Pangasinan Training and Development Center, Capitol Compound, Lingayen Pangasinan.

Ayon sa inilabas na abiso ng Provincial health Office,ang walk in vaccination ay magsisimula sa ika-5 ng Oktubre at magtatagal hanggang sa ika-7 ng Oktubre.

Tanging 600 bakuna kada araw ang ilalaan para sa mga ito kung kaya’t ipapairal ang first come, first serve basis. Bubuksan ang registration 7: 00 pa lamang ng umaga.


Hinikayat naman ng PHO ang mga Pangasinense na samantalahin ang inaalok na COVID-19 Vaccination upang maging protektado laban sa nakakahawang sakit.

Facebook Comments