“Walk of Change” isinagawa sa Tanauan Batangas

Batangas – Minsan nang naging kontrobersyal ang bayan ng Tanauan sa Batangas dahil sa “Walk of Shame” nito.

Pero ngayon, pinalitan na ito ng tinawag nilang “Walk of Change” kung saan bida sa parada ang nasa 200 drug dependents na sumuko sa Oplan Tokhan ng pulisya.

Isinagawa ang parada matapos silang sumailalim sa ilang buwang rehabilitasyon.


Inorganisa ito ng grupong sipag, isang faith-based program ng Church of the Risen Christ sa pakikipagtulungan ng dangerous drugs board at PNP.

Nakatakda silang sumailalim sa skills and livelihood training program katuwang ang TESDA.

Umaasa naman si Tanauan City Mayor Antonio Halili na magtutuloy-tuloy na ang pagbabagong-buhay ng mga dating biktima ng droga.

Facebook Comments