Walk of Life-Kasado na!

Baguio, Philippines – Isang malaking pagtitipon na naman ang kinakasa ng Diocese of Baguio-Benguet, Ito ay ang “Walk for life” laban sa hirap ng buhay. Itong pagtitipon na ito ay isasagawa sa Abril 28, 2018 sa Baguio city.

Ayon sa isang panayam kay Alex Manongdo mula sa Pro Life Baguio, ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng kanilang pag suporta sa kampanya para malabanan ang iba’t ibang hamon ng buhay lalo na sa mga naghihikahos na mga pamilya at sa patuloy na karahasan na nangyayari sa ating bansa, gayon din ang mga kababayan natin na lalong dumadami sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Inaasahan ang pag dagsa ng mga dadalo sa nasabing “Walk for Life” na magmumula sa iba’ ibang lugar at mga Religious Sector gayun din sa mga interesadong mamamayan.


Idol, Tara maki Join tayo.

Facebook Comments