Walk-Thru, Inilunsad ng isang ospital para sa mga magpapasuri laban sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang kanilang inilunsad na ‘WALK-THRU’ na isang paraan sa mas mabilis na pagsasailalim sa swab testing ng publiko.

Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Chief, ito ay bilang tugon aniya sa mas dumaraming bilang ng mga gustong magpasuri sa kanilang specimen partikular ang mga overseas filipino workers (OFW) na isang pangunahing requirements bago makabalik ng ibang bansa para makapagtrabaho muli.

Sinabi pa ni Baggao, kinakailangan lamang na magpatala online sa mga gustong magpasuri ng kanilang specimen sample sa CVMC molecular laboratory habang maaari na rin silang magbayad online at kanila na ring makikita ang schedule ng kanilang pagsusuri.


Giit pa ng doktor, hindi naman kinakailangan na problemahin ang gagastusin sa pagbabayad sakaling magpasuri dahil kung ang isang indibidwal ay miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang maaaring ito ang magbayad ng kanilang gastusin sa pagsusuri.

Facebook Comments