Walkable City sa Baguio

Baguio, Philippines – Para sa programang Walkable City ni Mayor Benjamin Magalong, kung saan ibabalik at iaayos ang mga sidewalk, magkakaroon ng uniformed sidewalk o “One Design” na lamang ang mga sidewalk ng syudad Baguio.

Ayon kay Mayor, ang nasabing plano ay maiimplimenta sa Central Business District na magsisimula sa Governor Pack Road kung saan babaguhin nito ang sidewalk at isasa-ayos ang mga stalls sa lugar.

May nakalaang P200 milyong budget para sa pagpapaayos ng sidewalk sa Central Business District at P600 milyong budget naman ang nakahandang pondo para naman sa buong programa.


iDOL, hindi na tayo kailangang makipagpatintero sa mga sasakyan.

Facebook Comments