Wall of Remembrance sa Tugatog Cemetery sa Malabon, patuloy na dinaragsa

Tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga bisita sa Tugatog Cemetery sa Malabon kasunod ng binuksang Wall of Remembrance ng pamahalaang lungsod.

Nakaukit dito ang nasa 5,000 pangalan ng lahat ng mga yumao na inilibing sa sementeryo.

Ayon sa Malabon government, magugunita ng mga residente ang alaala ng kanilang mga yumao habang nagpapatuloy ang pagsasaayos sa Tugatog Cemetery na 57% pa lang na kumpleto.


Mayroon ding pwesto kung saan maaaring mag-alay ng bulaklak at magtirik ng kandila ang mga bisita.

Hindi rin mahirap ang paghahanap ng pangalan ng mga yumao dahil nakaayos ito ng alphabetical.

Bago makapasok sa sementeryo, may form lamang na kailangang sagutan ang mga bisita at beberipikahin kung doon nga nakalibing ang hinahanap.

Facebook Comments