Wally Sombero, Hindi Na Naman Sumipot Sa Pagpapatuloy Ng Pagdinig Ng Senado Sa Bureau Of Immigration Scandal

10

MANILA – Bigo na naman sumipot sa ikatlong pagdinig ng senado kaugnay ng umano’y bribery scandal sa Bureau of Immigration ang dating pulis at sinasabing middleman ni Jack Lam na si Wally Sombero.Gayunpaman, nagpadala ito ng sulat sa blue ribbon committee para ipaliwanag ang hindi niya pagdalo.Sa sulat na binasa ng abogado nitong si Atty. Ted Contacto – sinabi ni Sombero na ginawa niya ang lahat para makadalo pero hindi siya pinayagang sumakay ng eroplano dahil sa kanyang kondisyong pangkalusugan.Kasabay nito, tinawag ni Sombero na “consummated extortion” sa halip na panunuhol ang pagbibigay niya ng 50-milyong piso kina dating BI Commissioners Al Argosino at Amichael Robles.

Facebook Comments