MANILA – Ipapaaaresto na ni Senador Richard Gordon, chairman ng senate blue ribbon committee si Retired Senior Superintendent Wally Sombero.Ito’y matapos mabigo si Sombero na makadalo sa pagdinig kahapon.Ayon sa abogado ni Sombero na si Atty. Ted Contacto, nasa Vancouver, Canada pa ngayon ang kaniyang kliyente.Sinubukan naman talaga aniya ni Sombero na makauwi ng Pilipinas para makapunta sa hearing, pero hindi ito pinayagang makasakay ng eroplano dahil sa kaniyang kondisyong pangkalusugan.Hindi rin tinaggap ni Gordon ang paliwanag ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente kung bakit nakalabas ng bansa ang dating pulis na si Wally Sombero nang walang kahirap-hirap sa kabila ng lookout bulletin na inilabas laban dito.Inirekomenda rin ni Gordon ang pagkansela ng pasaporte ni Sombero para mapilitan itong bumalik ng bansa.Sabi pa ni Gordon, irerekomenda niya na sa Muntinlupa at hindi sa senado ikulong si Sombero kapag nakabalik na ito ng bansa.
Wally Sombero, Pinapaaresto Na Ng Senado Matapos Hindi Makadalo Sa Pagdinig Kahapon
Facebook Comments