Wally Sombero, Tiniyak Na Makakadalo Sa Susunod Na Pagdinig Ng Senado Kaugnay Sa Bureau Of Immigration Bribery Scandal

22

MANILA – Tiniyak na ng Retired Police Officer na si Wally Sombero na dadalo ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI).Si Sombero ang tumatayong middleman ni gambling tycoon at casino operator na si Jack Lam na nanuhol sa dalawang dating BI Associate Commissioners na sina Al Argosino at Michael Robles.Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng nasabing komite – tumawag mismo sa kanya si Sombero at sinabing dadalo ito sa susunod na pagdinig.Sinabi pa ni Gordon na tanging si Sombero lamang ang makakapagbibigay ng linaw sa lahat ng bumabalot sa isyu.Nilinaw din ni Gordon na hindi na aarestuhin si Sombero sa oras na nakabalik na ito sa Pilipinas.Nakatakda ang susunod na pagdinig kaugnay sa naturang kaso sa Pebrero 16.

Facebook Comments