Walo katao ang inisyal na nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta sa ARMM.

Walo katao ang iniulat na nasawi sa probinsya ng Lanao Del Sur sa paghagupit ng bagyong si Vinta… Ayon kay Mam Myrna Jo Henry ng ARMM HEART,sa panayam natin sa kanya kanina, na dalawa katao na ang confirm habang patuloy na bina-validate ang mga pagkakilanlan ng anim na iba pa.
Sinabi nito na sa limang probinsya ng ARMM ay ang probinsya ng Lanao Sur ang matinding sinalanta ng bagyo, ilang bayan ang nagkaroon ng flashflood,landslide at pagkasira ng maraming bahay. Ang bayan ng Bubong, Datsain Ramain, Tugaya at Marawi city ang ilan lamang sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Idinagdag pa ni Mam Jo Henry na naging mabilis naman ang pagtungon ng PDRRMC ng Lanao del Sur sa mga nangangailangan ng tulong, habang nakatutuk naman si ARMM Regional Governor Mujiv Hataman sa pananalasa ng bagyo,24/7 bukas ang Operation center ng ARMM HEART sa pagtanggap ng mga reports mula sa DreamO at meron ng team na naka-preposition na para sa pagtulong ng ARMM Government sa mga kababayan hinagupit ng bagyong Vinta.

Facebook Comments