Walo katao, arestado matapos mahuling nagpa-pot session sa Baao, Camarines Sur

71

Manila, Philippines – Arestado ang walongkatao matapos mahuling nagpa-pot session sa loob mismo ng bahay ng dalawangnasa watch list ng Baao, Camarines Sur.
 
Ayon kay Pc/Insp. Roselyn Vasquez, Chief of Policeng Baao-PNP – target ng kanilang operasyon ang mga suspek na sina Jomar Bayos,Merlito Bayta Jr. at Pedro Boton na kasama sa kanilang drug watch list.
 
Pagdating sa bahay ng mga suspek sa halip namahuli ang tatlo, ang walong drug personality ang naabutan ng mga otoridad nagumagamit ng pinagbabawal na gamot.
 
Nakumpiska sa mga ito ang ilang sachet ngpinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.
 
Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mgaotoridad ang nasabing mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa labansa mga ito.
 
   
   

Facebook Comments