Walo pang local government officials, iisyuhan ng DILG ng show cause order dahil sa pagsingit sa pila ng COVID-19 vaccination

Pito pang alklade at isang konsehal ang nakatakdang isyuhan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa paglabag sa priority protocols ng COVID-19 vaccination rollout.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, hinihintay na lang nila ang pag-apruba ng kanilang Officer-in-Charge at posibleng maipalabas ngayong araw ang show cause order upang pagpapaliwanagin ang mga bagong “jumpers” kung bakit nanguna silang magpabakuna.

Nauna nang pinagpaliwanag sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte, Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato, Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Nino, South Cotabato, Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay at Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan.


Sa sandaling mapatunayang may nilabag ang mga lokal chief executive ay ihahain na ng DILG ang reklamo sa Office of the Ombudsman upang magpasiya kung anong parusa ang ipapataw sa mga ito.

Facebook Comments