Walo sa 80 PUIs, kasama sa mga nakasalamuha ng dalawang Chinese na positibo sa nCoV

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nagpapatuloy ang kanilang contact tracing sa mga pasahero ng mga eroplanong nakasabay ng dalawang Chinese na nagpositibo sa 2019-nCoV.

Ayon kay Dr. Ferchito Avelino, Chief ng Epidemiology Bureau ng DOH, posibleng madagdagan pa ang 74 na indibidwal na natunton ng kanilang tracker team.

Kinumpirma rin ni Dr. Avelino na walo sa mga natunton ay  itinuturing na rin na kasama sa patient under investigation o PUIs.


Sinabi ni Dr. Avelino na naabisuhan naman na ang mga ito kung ano ang dapat nilang gawin gaya ng pagsasailalim sa home quarantine.

Nangangahulugan ito na hindi sila maaaring makasalamuha sa kanilang mga kasama sa bahay.

Facebook Comments