Walo sa bawat 10 krimen sa Pilipinas, naresolba na – PNP

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na walo sa bawat 10 crime incidents sa bansa ay naresolba na mula nitong Enero 2020.

Ito ay bunga ng high crime solution efficiency ng PNP matapos ang agresibong pagsasagawa ng imbestigasyon.

Sa datos ng PNP, 79.6% ng crime solution efficiency ay naitala mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon batay sa mga parametrong itinakda ng Directorate for Investigation and Detective Management.


Ito ay ang mga kaso kung saan nakilala at naaresto ang salarin at naihain ang mga kaukulang kaso laban sa mga ito.

Bukod dito, bumaba ang insidente ng krimen mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon kung saan mula sa 372,621 ang naitala sa kaparehas na panahon noong 2018 ay bumaba na lamang ito sa 283,549.

Ang pagbaba ng krimen sa bansa ay bunga ng pagpapatupad ng higit 200 community quarantine lockdown.

Facebook Comments