Mayorya ng mga Pilipino ay patuloy na sumusunod sa minimum health standards laban sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields, washing hands at social distancing.
Sa survey sa Social Weather Stations (SWS), 79% ng mga Pilipino ang nagsabing palagi silang nagsusuot ng face mask kapag lalabas ng kanilang bahay.
Nasa 67% naman ang madalas naghuhugas ng kamay, 60% ang pinapanatili ang kanilang distansya mula sa ibang tao at 56% ang gumagamit ng face shield kapag sasakay ng pampublikong transportasyon o papasok sa mga establisyimento.
Ang non-commissioned national mobile phone survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 sa 1,249 adult Filipinos.
Facebook Comments